Isaiah 8:19
Sasabihan ka nila, “Kumunsulta ka sa mga manghuhula at mga salamangkero,” silang mga nagsasambit at bumubulong ng mga dasal. Pero hindi ba dapat sa Diyos kumukunsulta ang mga tao? Mas nararapat bang konsultahin nila ang patay para sa mga nabubuhay?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 19:31Huwag bumaling sa mga nakikipag usap sa mga patay o sa mga espiritu. Huwag hanapin ang mga ito, o dudungisan lang nila kayo. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 18:10Walang dapat na makitang isa sa inyo na ginagawang padaanin ang kaniyang anak na lalaki o kaniyang anak na babae sa apoy, sinumang gumagawa ng panghuhula, sinumang nagsasanay ng hula, o alinmang mang-aakit, o alinmang mangkukulam,
1 Samuel 28:7Pagkatapos sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod, “Hanapan ninyo ako ng babaeng umaangking nakikipag-usap sa mga patay, upang makapunta ako sa kanya at hingin ang kanyang payo.” Sinabi ng kanyang mga lingkod sa kanya, “Tingnan mo, mayroong isang babae sa Endor na umaaangking nakikipag-usap sa mga patay.”
1 Samuel 28:11Pagkatapos sinabi ng babae, “Sino ang dapat kong papuntahin sa iyo?” Sinabi ni Saul, “Papuntahin mo sa akin si Samuel.”
2 Kings 1:3Pero sinabi ng anghel ni Yahweh kay Elias ang taga-Tisbe, “Tumayo ka at puntahan ang mga mensahero ng hari ng Samaria, at tanungin mo sila, 'Dahil ba walang Diyos sa Israel kaya kayo pupunta para sumangguni kay Baal-zebub ang diyos ng Ekron?
2 Kings 23:24Pinaalis din ni Josias ang mga nakipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu. Pinaalis din niya ang mga anti-anting, ang mga diyus-diyosan, at ang lahat ng mga nakasusuklam na mga bagay na nakita sa lupain ng Juda at sa Jerusalem, para pagtibayin ang mga salita ng batas na nasusulat sa aklat na natagpuan ng paring si Hilkias sa tahanan ni Yahweh.