Isaiah 8:20
Kaya inyong ituon ang inyong atensyon sa batas at patotoo! Kapag hindi nila sinabi ang bagay na ito, ito ay dahil wala silang liwanag ng umaga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezra 10:3Kaya ngayon gumawa tayo ng isang tipan sa ating Diyos na palabasin ang lahat ng mga babae at kanilang mga anak ayon sa mga tagubilin ng Panginoon at sa mga tagubilin ng mga nanginig sa mga utos ng ating Diyos, at mangyari nawa ito ayon sa batas.
Psalms 119:130Ang paglalahad ng mga salita mo ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ito ng pang-unawa sa mga hindi naturuan.
Isaiah 1:10Dinggin niyo ang salita ni Yahweh, kayong mga tagapamahala ng Sodoma; makinig kayo sa batas ng ating Diyos, kayong bayan ng Gomorra:
Isaiah 30:8Ngayon humayo kayo, isulat ninyo sa kasama sila sa isang bato, at itala ito sa isang balumbon, para mapanatili ito para sa darating na panahon bilang isang katibayan.
Hosea 6:3Kilalanin natin si Yahweh; sikapin nating makilala si Yahweh. Ang kaniyang paglabas ay tiyak na parang bukang-liwayway; darating siya sa atin tulad ng ambon, tulad ng ulan sa tagsibol na dumidilig ng lupain.”
Malachi 4:2Ngunit sa inyong may takot sa aking pangalan, sisikat ang araw nang katuwiran na may kagalingan sa mga pakpak nito. Lalabas kayo na lumulukso katulad ng guya mula sa kulungan.