The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 2 › Jeremias 2:34

Jeremias 2:34

Nakita sa iyong mga kasuotan ang dugo ng mga dukha at walang kasalanang tao. Sila ang mga taong hindi nahuli sa mga gawaing pagnanakaw.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Also in thy skirts is found the blood of the souls of the poor innocents: I have not found it by secret search, but upon all these.

In Context

33Ganoon ka na lamang kahusay na humanap ng pag-ibig. Itinuro mo pa ang iyong mga pamamaraan sa mga makasalanang kababaihan.

35Sa halip, sa lahat ng bagay na ito, patuloy mong sinasabi, 'Wala akong kasalanan, tiyak na hindi ibabaling ni Yahweh ang galit sa akin.' Ngunit tingnan mo! Mahahatulan ka sapagkat sinabi mo, 'Hindi ako nagkasala.'

Read all of Jeremias 2

Cross References

Exodus 22:1Kung magnakaw ang isang lalaki ng isang baka o isang tupa at pinatay niya o ipinagbili ito, pagkatapos dapat siyang magbayad ng limang baka para sa isang baka, at apat na tupa para sa isang tupa.

2 Kings 21:16Higit pa roon, nagpadanak si Manasses ng labis na inosenteng dugo, pinuno niya ng kamatayan ang magkabilang dulo ng Jerusalem. Karagdagan pa ito sa kasalanan na pinilit niyang gawin ng Juda, sa paggawa ng masama sa paningin ni Yahweh.

Psalms 106:37Inalay nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa mga demonyo.

Isaiah 57:5Pinapainit ninyo ang inyong mga sarili na magkasamang nagsisiping sa ilalim ng mga puno ng ensena? sa ilalim ng bawat luntiang puno, kayong mga pumapatay ng inyong mga anak sa mga tuyong ilog, sa ilalim ng mga mabatong bangin.

Jeremiah 6:15Nahiya ba sila nang gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi talaga sila nahiya, hindi sila nakaranas ng anumang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila kasama ng mga babagsak sa panahon na parurusahan ko sila. Ipapatapon sila,” sabi ni Yahweh.

Jeremiah 8:12Nahihiya ba sila kapag gumagawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi sila nahihiya. Wala silang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila sa panahon ng kanilang kaparusahan kasama ng mga bumagsak na. Ibabagsak sila, sabi ni Yahweh.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 2:34

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 2:33Jeremias 2Jeremias 2:35 →