Jeremiah 21:6
Sapagkat lulusubin ko ang mga naninirahan sa lungsod na ito, maging tao at hayop. Mamamatay sila sa matinding salot.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 6:11Pagkatapos sinabi ko, “Panginoon, hanggang kailan?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod at mawalan ng naninirahan dito, at mawalan ng tao ang mga bahay, at nakatiwangwang ang lupain,
Jeremiah 7:20Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Tingnan ninyo, bubuhos ang aking poot at galit sa lugar na ito, sa tao at sa hayop, sa puno sa mga bukirin at sa bungang kahoy sa lupa. Aapoy ito at hindi mapapatay kailanman.'
Jeremiah 14:12Sapagkat, kapag nag-ayuno sila, hindi ako makikinig sa kanilang pagdaing at kapag nag-alay sila ng mga handog na susunugin at mga handog na pagkain, hindi ako malulugod sa mga ito. Sapagkat lilipulin ko sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.”
Jeremiah 20:4Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan mo, gagawin kitang isang bagay na kakikilabutan—ikaw at lahat ng iyong minamahal—sapagkat mabubuwal sila sa pamamagitan ng espada ng kanilang mga kaaway at makikita ito ng iyong mga mata. Ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari ng Babilonia. Gagawin niya silang mga bihag sa Babilonia o lulusubin sila gamit ang espada.
Jeremiah 33:12Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Sa napabayaang lugar na ito, na ngayon ay mayroon nang tao at hayop, magkakaroon muli ng pastulan sa lahat ng lungsod nito para sa mga pastol na umaakay sa kanilang mga kawan upang mamahinga.
Jeremiah 36:29At kailangan mo itong sabihin kay Jehoiakim na hari ng Juda: 'Sinunog mo ang kasulatang balumbon na iyon! At sinabi mo: Bakit mo isinulat iyon, “Tiyak na darating ang hari ng Babilonia at wawasakin ang lupaing ito, sapagkat wawasakin niya ang tao at mga hayop dito"?”'