Jeremias 3:18
Sa mga araw na iyon, maglalakad ang sambahayan ng Juda kasama ang sambahayan ng Israel. Magkasama silang pupunta mula sa lupain sa hilaga patungo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno bilang kanilang mana.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 12:7Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan.” Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya.
Isaiah 11:13Ititigil niya ang inggit ng Efraim, at aalisin niya ang mga laban sa Juda. Hindi na maiinggit ang Efraim sa Juda, at hindi na laban ang Juda sa Efraim.
Isaiah 43:6Aking sasabihin sa hilaga, 'ibalik sila;' at sa timog, 'huwag silang pigilan' Dalhin ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at aking mga anak na babae mula sa malayong mga lugar ng mundo,
Jeremiah 16:15Sapagkat buhay si Yahweh, ang nagdala sa mga tao ng Israel sa hilagang lupain at sa mga lupain na kung saan ikinalat niya sila, ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.
Jeremiah 30:3Sapagkat tingnan mo, parating na ang mga araw—Ito ang pahayag ni Yahweh—kapag pinanumbalik ko ang mga kayamanan ng aking mga tao, ang Israel at Juda. Akong si Yahweh ang nagsabi nito. Sapagkat ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno at aariin nila ito.”'
Jeremiah 50:4Sa mga araw na iyon at sa oras na iyon, ang mga tao ng Israel at ang mga tao ng Juda ay sama-samang iiyak at hahanapin si Yahweh na kanilang Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh.