Jeremias 31:2
Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang mga tao na nakaligtas sa dumating na pagpatay sa Israel sa pamamagitan ng espada ay nakasumpong ng biyaya sa ilang.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 1:22Inutusan ni Paraon ang lahat ng kaniyang mga tao, “Kailangan ninyong itapon sa ilog bawat lalaki na ipinanganak, pero pabayaan ninyong mabuhay ang bawat babae.”
Exodus 5:21Sinabi nila kina Moises at Aaron, “Nawa tingnan kayo ni Yahweh at paparusahan kayo, dahil ginawa ninyo kaming maging hindi kanais-nais sa paningin ni Paraon at sa kaniyang mga lingkod. Inilagay ninyo ang espada sa kanilang kamay para patayin kami.”
Exodus 14:8Pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, hari ng Ehipto, at hinabol niya ang mga Israelita. Ngayon nakaalis ang mga Israelita nang matagumpay.
Exodus 17:8Pagkatapos dumating at nilusob ng isang hukbo ng mga Amalekita ang Israel sa Rephidim.
Numbers 10:33Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw mula sa bundok ni Yahweh. Nauna sa kanila ang kaban ng tipan ni Yahweh nang tatlong araw upang maghanap ng lugar na maaari nilang mapagpahingahan.
Deuteronomy 1:30Si Yahweh na inyong Diyos na nanguna sa inyo, siya ay makikipaglaban para sa inyo, tulad ng lahat ng bagay na ginawa niya sa inyo sa Ehipto sa harap ng inyong mga mata,