Jeremias 49:14
Narinig ko ang balita mula kay Yahweh, at isang mensahero ang ipinadala sa mga bansa, 'Magsama-sama kayo at salakayin siya. Maghanda kayo para sa digmaan.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15“Sapagkat tingnan ninyo, ginawa ko kayong maliit kumpara sa ibang bansa na kinasuklaman ng mga tao.
Cross References
Isaiah 18:2ang nagpapadala ng mga kinatawan sa karagatan, sakay ng mga bangkang gawa sa papirus sa katubigan. Kayong mabibilis na mga mensahero, pumunta kayo sa bansa ng matatangkad at makikinis, sa bansang kinakatakutan ng mga malapit at malayo dito, isang bansang malakas at manlulupig, na nagmamay-ari ng lupain kung saan hinahati ang mga ilog!
Isaiah 37:7Pagmasdan ninyo, maglalagay ako ng isang espiritu sa kanya, at makakarinig siya ng isang ulat at magbabalik sa kanyang sariling lupain. Dudulutin kong siyang mahulog sa espada sa kanyang sariling lupain.””
Jeremiah 51:11Patalasin ninyo ang inyong mga palaso at kunin ang mga panangga. Pinapakilos na ni Yahweh ang espiritu ng hari ng Medes para sa layuning wasakin ang Babilonia. Ito ay para sa paghihiganti ni Yahweh, paghihiganti para sa pagkawasak ng kaniyang templo.
Jeremiah 51:46Huwag ninyong hayaan na manghina ang inyong mga puso o matakot sa mga narinig ninyong mga balita sa lupain, sapagkat ang mga balita ay darating sa isang taon. Pagkatapos nito, sa susunod na taon ay magkakaroon ng mga balita at darating ang mga karahasan sa lupain. Maglalaban-laban ang mga namumuno.
Obadiah 1:1Ang Pangitain ni Obadias. Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh tungkol sa Edom: Nakarinig kami ng ulat na mula kay Yahweh, at isang kinatawan ang ipinadala sa mga bansa, na nagsasabi, “Tumindig kayo! Tayo ay tumindig laban sa kaniya para sa digmaan!”