Jeremias 49:29
Kukunin ng kaniyang hukbo ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kawan, ang kanilang mga tabing ng tolda at lahat ng kanilang mga kagamitan. Kukunin nila ang kanilang mga kamelyo mula sa mga tao ng Kedar at isisigaw sa kanila, 'Katakot-takot ang nasa lahat ng dako!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 6:5Sa tuwing sila at kanilang mga alagang hayop at mga tolda ay dadating, darating sila na gaya ng pulutong ng mga balang, at ito ay hindi kayang bilangin maging ang mga tao o ang kanilang mga kamelyo. Sinakop nila ang lupain para wasakin ito.
Judges 8:21Pagkatapos sinabi nina Zeba at Zalmunna, “Bumangon ka at patayin kami! Dahil gaya ng kung ano ang isang lalaki, ganoon din ang kaniyang lakas.” Bumangon si Gideon at pinatay sina Zeba at Zalmuna. Kinuha din niya ang gasuklay na hugis na mga palamuti, na nasa leeg ng kanilang mga kamelyo.
1 Chronicles 5:20Nakatanggap sila ng tulong mula sa Diyos laban sa kanila. Sa ganitong paraan, ang mga Hagrita at ang lahat ng kasama nila ay natalo. Ito ay dahil nanalangin ang mga Israelita sa Diyos sa digmaan, at tumugon siya sa kanila, dahil nagtiwala sila sa kaniya.
Psalms 31:13Dahil aking narinig ang bulong-bulungan ng nakararami, nakakasindak na balita mula sa lahat ng dako habang ang mga iba ay parang nagpaplano na magkakasama laban sa akin. Sila ay nagpaplanong kunin ang aking buhay.
Isaiah 13:20Hindi na ito matitirahan o pamumuhayan mula sa saling-lahi hanggang sa isa pang saling-lahi. Hindi na itatayo ng Arabo ang kaniyang tolda doon, ni pagpapahingahin ng pastol ang kawan ng tupa doon.
Jeremiah 4:20Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba ang inihayag, sapagkat biglang nawasak ang lahat ng lupain. Bigla nilang winasak ang aking tabernakulo at ang aking tolda.