Jeremiah 49:3
“Humagulgol ka sa pagtangis, Hesbon, sapagkat mawawasak ang Ai! Sumigaw kayo, mga anak na babae ng Rabba! Magsuot kayo ng telang magaspang. Tumangis at magsitakbo kayo nang walang saysay sapagkat mabibihag si Molek kasama ng kaniyang mga pari at mga pinuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 11:5Sinunod ni Solomon si Astarte, ang diyosa ng mga Sidonio, at sumunod siya kay Milcom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Amonita.
2 Kings 23:13Hinamak ni Josias ang mga dambana na nasa silangan ng Jerusalem, sa katimugan ng Bundok ng Katiwalian na itinayo ni Solomon ang hari ng Israel para kay Astoret, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga Sidonio, para kay Quemos, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng Moab; at para kay Milcom, ang kasuklam-suklam na diyus-diyosan ng mga mamamayan ng Ammon.
Isaiah 13:6Umungol kayo, dahil papalapit na ang araw ni Yahweh; darating ito nang may pagwasak mula sa Makapangyarihan.
Isaiah 15:2Pumunta sila sa templo, pumunta sa matataas na lugar ang mga tao sa Dibon para umiyak; nagluksa ang Moab dahil sa Nebo at Medeba. Kinalbo ang kanilang mga ulo at pinutol ang kanilang mga balbas.
Isaiah 23:1Isang pahayag tungkol sa Tiro: Umungol kayo, kayong mga barko ng Tarsis; dahil wala na kayong tahanan ni daungan; naihayag ito sa kanila mula sa lupain ng Kittim.
Isaiah 32:11Manginig kayo, kayong mga babaeng kampante; maging maligalig, kayong mga panatag; hubarin ninyo ang inyong magagandang kasuotan at ilantad ninyo ang inyong kahubaran; magsuot kayo ng sako sa inyong mga baywang.