Jeremiah 49:4
Bakit ninyo ipinagmamalaki ang inyong lakas? Ang inyong lakas ay lilipas, mga anak na babaeng walang pananampalataya, kayo na nagtitiwala sa inyong kayamanan. Sinasabi ninyo, 'Sinong lalaban sa akin?'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 52:7“Tingnan mo, ito ang taong hindi ang Diyos ang ginawang kalakasan pero nagtiwala sa kasaganahan ng kaniyang kayamanan at pinatunayan ang kaniyang sarili sa kasamaang kaniyang ginagawa.”
Proverbs 10:15Ang kayamanan ng isang mayamang tao ay ang kaniyang pinatibay na lungsod, ang kasalatan ng mahirap ay kanilang pagkawasak.
Isaiah 47:7Sinabi mo, “Mamumuno ako bilang pinakamataas na reyna magpakailanman.” Hindi mo isinapuso ang mga bagay na ito, maging inisip kung anong mangyayari sa mga ito.
Jeremiah 7:24Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay pansin. Namuhay sila sa pamamagitan ng mga mapagmataas na balak ng kanilang mga masasamang puso, kaya sila ay paurong at hindi pasulong.
Jeremiah 21:13Tingnan ninyo, mga naninirahan sa lambak! Ako ay laban sa inyo, bato sa kapatagan—ito ang pahayag ni Yahweh—Ako ay laban sa sinumang nagsasabing, “Sino ang bababa upang lusubin kami?” o “Sino ang papasok sa aming mga tahanan?”
Jeremiah 49:16Sa inyong pagiging nakakatakot, nilinlang kayo ng pagmamalaki ng inyong puso, kayong mga naninirahan sa mga lugar sa talampas, kayo na tumira sa mga pinakamataas na burol upang pataasin ang inyong mga pugad tulad ng agila. Ibababa ko kayo mula roon—ito ang pahayag ni Yahweh.