Jeremias 5:6
Kaya isang leon mula sa kasukalan ang sasalakay sa kanila. Isang lobo mula sa Araba ang wawasak sa kanila. Isang nagkukubling leopardo ang darating laban sa kanilang mga lungsod. Ang sinumang lalabas sa kaniyang lungsod ay lalapain. Sapagkat tumindi ang kanilang mga pagkakasala. Ang kanilang kataksilan ay walang hangganan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:14Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at ng mga tao ay nagkasala ng labis, sinusunod ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ng ibang lahi. Nilapastangan nila ang tahanan ni Yahweh na inilaan niya para sa kaniyang sarili sa Jerusalem.
Ezra 10:10Tumayo ang paring si Ezra at sinabi, “Kayo mismo ay nakagawa ng kataksilan. Nanirahan kayo kasama ang mga dayuhang babae kaya pinalaki ninyo ang kasalanan ng Israel.
Psalms 104:20Ginawa mo ang kadiliman ng gabi kung kailan lahat ng mga hayop sa gubat ay lumalabas.
Isaiah 59:12Dahil ang aming maraming paglabag sa iyong kautusan ay nasa harapan mo, at ang aming mga kasalanan ay magpapatotoo laban sa amin; dahil ang aming mga pagkakasala ay nasa amin, at nalalaman namin ang aming mga kasalanan.
Jeremiah 2:17Hindi mo ba ito ginawa sa iyong sarili nang talikuran mo si Yahweh na iyong Diyos habang pinangungunahan ka niya sa iyong paglalakbay?
Jeremiah 2:31Kayong mga nabibilang sa salinlahing ito! Bigyan ninyo ng pansin ang aking salita, ang salita ni Yahweh! Naging ilang ba ako sa Israel? O naging lupain ng matinding kadiliman? Bakit sinasabi ng aking mga tao, 'Maglibot tayo, hindi na kami pupunta sa iyo kailanman'?