2 Chronicles 36:14
Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at ng mga tao ay nagkasala ng labis, sinusunod ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ng ibang lahi. Nilapastangan nila ang tahanan ni Yahweh na inilaan niya para sa kaniyang sarili sa Jerusalem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 19:30Dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga at igalang ang santuwaryo ng aking tabernakulo. Ako si Yahweh.
2 Kings 16:10Nagtungo sa Damasco si Haring Ahaz para makipagkita kay Tiglat Pileser hari ng Asiria. Sa Damasco nakita niya ang isang altar. Pinadala niya kay Urias ang pari ang isang modelo ng altar at pagpaparisan nito at ang plano ng lahat ng kailangang gawin.
2 Chronicles 33:4Nagtayo si Manases ng mga altar ng mga pagano sa tahanan ni Yahweh, bagaman iniutos ni Yahweh na, “Dito sa Jerusalem sasambahin ang aking pangalan magpakailanman.”
Ezra 9:7Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon.
Jeremiah 5:6Kaya isang leon mula sa kasukalan ang sasalakay sa kanila. Isang lobo mula sa Araba ang wawasak sa kanila. Isang nagkukubling leopardo ang darating laban sa kanilang mga lungsod. Ang sinumang lalabas sa kaniyang lungsod ay lalapain. Sapagkat tumindi ang kanilang mga pagkakasala. Ang kanilang kataksilan ay walang hangganan.
Jeremiah 32:35Pagkatapos, nagtayo sila ng dambana para kay Baal sa lambak ng Ben Hinom upang ialay ang kanilang mga anak na lalaki at babae kay Molec, isang bagay na hindi ko iniutos na gawin nila, isang bagay na hindi kailanman sumagi sa aking puso't isipan. Itong kasuklam-suklam na bagay para gawin nila upang magkasala ang Juda.'