Job 5:7
Pero gumagawa ang sangkatuhan ng sarili niyang kaguluhan, gaya ng mga apoy na lumilipad paitaas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Yet man is born unto trouble, as the sparks fly upward.
In Context
8Pero ako, sa Diyos ako lalapit, ipagkakatiwala ko sa Diyos ang aking kalagayan —
Cross References
Genesis 3:17Sinabi niya kay Adan, “Dahil nakinig ka sa boses ng iyong asawa, at kumain mula sa puno, kung alin ay iniutos ko sa iyo, nang sinabi kong, “Hindi kayo maaaring kumain mula rito,' sinumpa ang lupa dahil sa iyo; sa matinding pagpapagal kakain ka mula rito sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.
Psalms 90:8Nilagay mo ang mga kasalanan namin sa iyong harapan, ang aming mga nakatagong kasalanan sa liwanag ng iyong presensiya.
Ecclesiastes 1:8Ang lahat ay nakakapagod, at wala ni isa man makapagpapaliwanag nito. Ang mata ay walang kasiyahan sa nakikita nito, ni tainga man ay napupuno ng naririnig nito.
Ecclesiastes 2:23Bawat araw, ang kaniyang trabaho ay masakit at mahirap, kaya sa gabi ang kaniyang kaluluwa ay hindi makahanap nang kapahingahan. Ito rin ay usok.
1 Corinthians 10:13Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.