Ezra 9:3
Nang marinig ko ito, pinunit ko ang aking damit at balabal at ginupit ko ang aking buhok at balbas. At umupo ako na hiyang-hiya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 21:5Hindi dapat mag-ahit ang mga pari ng kanilang mga ulo o ahitin ang mga gilid ng kanilang balbas, o sugatan ang kanilang katawan.
2 Kings 18:37Pagkatapos sina Eliakim na anak ni Hilkias, ang pinuno ng sambahayan; si Sebna ang eskriba; at Joas ang anak ni Asaf, ang tagapagtala, ay pinuntahan si Hezekias nang may mga punit na damit, at inulat sa kaniya ang mga sinabi ng punong tagapag-utos.
Nehemiah 13:25Kaya hinarap ko sila, at isinumpa, at sinaktan ko ang iba sa kanila at sinabunutan ko sila. Pinasumpa ko sila sa Diyos, na nagsasabing, “Hindi niyo dapat ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki, o kunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, o para sa inyong mga sarili.
Job 2:12Nang tumanaw sila sa kalayuan, hindi nila agad nakilala si Job, napahiyaw sila at humagulgol sa iyak; pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa hangin at sa kanilang mga ulo.
Psalms 143:4Ang aking espiritu ay nanglulupaypay; ang aking puso ay nawalan ng pag-asa.
Jeremiah 7:29Gupitin ninyo ang inyong buhok at mag-ahit kayo at itapon ninyo ang inyong buhok. Umawit kayo ng mga awiting panlibing sa mga bukas na lugar. Sapagkat itinakwil at tinalikuran ni Yahweh ang salinlahing ito dahil sa kaniyang matinding galit.