Joel 3:8
Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tao ng Juda. Ipagbibili sila sa mga Sabeo, isang malayong bansa sapagkat ito ang sinabi ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 32:30Paano ba hahabulin ng isa ang isang libo, at papaliparin ng dalawa ang sampung libo, maliban kung ipinagbili sila ng kanilang Bato, at isinuko sila ni Yahweh?
Judges 4:2Ibinigay sila ni Yahweh sa kapangyarihan ni Jabin na hari ng Canaan na naghahari sa Hazor. Ang pinuno ng kaniyang hukbo ay nagngangalang Sisera, at naninirahan siya sa Haroshet ng mga Hentil.
Job 1:15lumusob ang mga Sabano at tinangay sila. Pinatay nga nila ang ibang mga lingkod gamit ang espada; ako lang ang nag-iisang nakatakas para ibalita sa iyo.”
Isaiah 60:14Sila ay lalapit sa inyo para yumuko, ang mga anak na lalaki na humamak sa inyo; sila ay yuyuko sa inyong mga paanan; kayo ay tatawagin nilang, Ang Lungsod ni Yahweh, Sion ang Banal ng Israel.
Ezekiel 23:42Kaya ang tinig ng maraming tao na may mga alalahanin ay kasama ninyo, at mga manginginom na dinala sa ilang na kasama ng ibang kalalakihan na walang halaga. Naglagay sila ng mga pulseras sa inyong mga kamay at mapalamuting mga korona sa inyong mga ulo.