John 12:34
At sumagot ang maraming tao sa kaniya, “Narinig namin mula sa kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailanman. Paano mo masasabi, “Ang Anak ng Tao ay kailangan itaas?” “Sino itong Anak ng Tao?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
33Sinabi niya ito upang ipahiwatig kung sa paanong paraan na kamatayan siya mamamatay.
Cross References
Psalms 72:7Umunlad nawa ang matuwid sa kaniyang mga araw at magkaroon nawa ng kasaganahan ng kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan.
Psalms 89:36ang kaniyang mga kaapu-apuhan at ang kaniyang trono ay magpapatuloy magpakailanman na kasing tagal ng araw sa aking harapan.
Isaiah 9:7Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.
Ezekiel 37:24Si David na aking lingkod ang maghahari sa kanila. Kaya magkakaroon ng isang pastol sa kanilang lahat, at lalakad sila ayon sa aking mga utos at tutuparin nila ang aking mga panuntunan at susundin nila ang mga ito.
Daniel 7:14Ibinigay sa kaniya ang karapatan upang mamuno, ang kaluwalhatian at ang makaharing kapangyarihan upang ang lahat ng mga tao, mga bansa, at mga wika ay dapat maglingkod sa kaniya. Walang hanggan ang kaniyang karapatang mamuno na hindi lilipas at hindi kailanman mawawasak ang kaniyang kaharian.
Micah 4:7Gagawin kong natitira ang mga pilay at ang mga itinaboy sa isang matatag na bansa, at Ako si Yahweh, ang maghahari sa kanila sa Bundok ng Zion ngayon at magpakailan man.