John 14:16
At mananalangin ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang Manga-aliw upang siya ay sumainyo magpakailanman,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Kung mahal ninyo ako, susundin ninyo ang aking mga kautusan.
Cross References
John 4:14ngunit ang sinumang uminom ng kaunting tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hindi kailan man muling mauuhaw. Sa halip, ang tubig na ibibigay ko sa kaniya ay magiging bukal ng tubig na magdudulot sa kaniya ng buhay na walang hanggan.”
John 14:18Hindi ko kayo iiwanan nang nag-iisa. Babalik ako sa inyo.
John 15:26Kapag darating na ang Manga-aliw na siyang aking isusugo sa inyo mula sa Ama, na ang Espiritu ng katotohanan, na nanggaling mula sa Ama, magpapatotoo siya tungkol sa akin.
John 16:22Kayo rin, may dalamhati kayo ngayon, ngunit makikita ko kayong muli; at ang inyong puso ay magagalak, at walang sinumang makapag-aalis ng kagalakang ito mula sa inyo.
John 17:9Nananalangin ako para sa kanila. Hindi ako nananalangin para sa mundo ngunit para sa kanilang mga ibinigay mo sa akin, dahil sila ay sa iyo.
John 17:20Hindi ako nanalangin para lang sa mga ito, ngunit pati na rin sa mga mananampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita