John 14:17
na ang Espiritu ng katotohanan. Hindi siya maaaring tanggapin ng mundo dahil hindi siya nakikita nito o nakikilala man. Subalit, kayo, kilala ninyo siya, dahil nanatili siya sa inyo at sasainyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Hindi ko kayo iiwanan nang nag-iisa. Babalik ako sa inyo.
Cross References
Proverbs 14:10Alam ng puso ang sarili niyang kapaitan, at walang sinuman ang nakikibahagi sa kagalakan nito.
Isaiah 59:21At para sa akin, ito ang aking tipan sa kanila—sinasabi ni Yahweh—ang aking espiritu na nasa inyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa inyong bibig, ay hindi mawawala sa inyong bibig, o mawawala sa bibig ng inyong mga anak, o mawawala sa bibig ng mga anak ng inyong mga anak—sinabi ni Yahweh—mula sa panahon na ito at magpakailanman.”
Matthew 10:20Sapagkat hindi kayo ang magsasalita subalit ang Espiritu ng inyong Ama ang siyang magsasalita sa inyo.
John 14:23Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: “Kung sinuman ang magmamahal sa akin, isasagawa niya ang aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama, at kami ay paparoon sa kaniya at gagawa kami ng aming tirahan kasama niya.
John 16:13Subalit, kapag siya na Espiritu ng Katotohanan ay dumating, gagabayan niya kayo sa lahat ng katotohanan: dahil hindi siya magsasalita mula sa kaniyang sarili, ngunit anumang mga bagay ang naririnig niya, sasabihin niya ang mga ito, at ihahayag niya sa inyo ang mga bagay na darating.
Romans 8:13Sapagkat kung mabubuhay kayo ayon sa laman, kayo ay mamamatay, ngunit kung sa pamamagitan ng Espiritu inyong pinatay ang mga gawain ng inyong katawan, kayo ay mabubuhay.