John 15:16
Hindi kayo ang pumili sa akin ngunit pinili ko kayo at itinalaga kayo na humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga. Ito ay upang kung anuman ang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan, ibibigay niya ito sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, na magmahalan kayo sa isa't isa.
Cross References
Genesis 18:18gayong tiyak na magiging dakila at makapangyarihang bansa si Abraham, at pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sa pamamagitan niya?
Psalms 78:4Hindi natin ito itatago sa kanilang mga kaapu-apuhan. Sasabihin natin sa susunod na salinlahi ang tungkol sa kapuri-puring mga bagay na ginawa ni Yahweh, ang kaniyang kalakasan, at ang mga kababalaghan na kaniyang ginawa.
Proverbs 11:30Sila na gumagawa ng tama ay tulad ng isang puno ng buhay, pero ang karahasan ay bumabawi ng mga buhay.
Isaiah 49:1Makinig kayo sa akin, kayong mga baybayin! At magbigay kayo ng pansin, kayong mga malalayong tao. Tinawag ako ni Yahweh sa pangalan mula sa kapanganakan, nang dinala ako ng aking ina sa mundo.
Jeremiah 1:5“Bago kita binuo sa sinapupunan, pinili na kita. Bago ka ipanganak, itinalaga na kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”
Zechariah 1:4Huwag kayong maging katulad ng inyong mga amang sinigawan ng mga propeta noong nakaraan na nagsasabi, “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: tumalikod kayo sa inyong mga masasamang gawain at kaugalian!” Ngunit hindi sila nakinig at hindi nila ako binigyan ng pansin.” Ito ang pahayag ni Yahweh.