John 20:19
Kinagabihan ng araw na iyon na unang araw ng linggo, at habang nakasara ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 85:8Makikinig ako sa sasabihin ni Yahweh na Diyos, dahil siya ay makikipag-ayos sa kaniyang bayan, ang kaniyang matapat na tagasunod. Pero hindi sila dapat bumalik sa hangal na pamamaraan.
Matthew 10:13Kung ang bahay ay karapat-dapat, pumaroon ang inyong kapayapaan. Ngunit kung ito ay hindi karapat-dapat, hayaan ninyong bumalik ang inyong kapayapaan sa inyo.
Mark 16:14Sa ibang pagkakataon, nagpakita si Jesus sa labing-isa habang nakasandal sila sa hapag, at sinaway sila dahil sa kanilang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso, dahil hindi sila naniniwala sa mga nakakita sa kaniya matapos siyang bumangon mula sa mga patay.
John 7:13Ngunit wala ni isa na hayagang nagsalita tungkol sa kaniya dahil sa takot sa mga Judio.
John 14:27Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo; ibinibigay ko ang aking kapayapaan sa inyo. Hindi ko ito ibinibigay katulad ng pagbibigay ng mundo. Huwag hayaang mabalisa ang inyong puso, at huwag ito hayaang matakot.
John 16:33Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Sa mundo, kayo ay mayroong mga kabalisahan, subalit lakasan ninyo ang inyong loob; napagtagumpayan ko na ang mundo.