John 14:27
Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo; ibinibigay ko ang aking kapayapaan sa inyo. Hindi ko ito ibinibigay katulad ng pagbibigay ng mundo. Huwag hayaang mabalisa ang inyong puso, at huwag ito hayaang matakot.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 6:26Tingnan ka nawa si Yahweh nang may kabutihang loob at bigyan ka ng kapayapaan.'”
Job 34:29Kapag siya ay nanatiling tahimik, sino ang maaring magparatang sa kaniya? Kung itatago niya ang kaniyang mukha, sino ang maaring makakakilala sa kaniya? Namamahala siya sa lahat ng bansa at bawat tao,
Psalms 27:1Si Yahweh ang aking liwanag at aking kaligtasan; kanino ako matatakot? Si Yahweh ang kanlungan ng aking buhay; kanino ako mangangamba?
Psalms 29:11Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kaniyang bayan; Pinagpapala ni Yahweh ng kapayapaan ang kaniyang bayan.
Psalms 56:11sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng pawang tao lamang?
Psalms 72:7Umunlad nawa ang matuwid sa kaniyang mga araw at magkaroon nawa ng kasaganahan ng kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan.