John 8:12
Muli nagsalita si Jesus sa mga tao at sinabi, “Ako ang ilaw ng mundo; ang sumusunod sa akin ay hindi na maglalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 33:28Iniligtas ng Diyos ang aking kaluluwa mula sa pagpunta sa hukay; patuloy na makikita ng aking buhay ang liwanag.'
Psalms 49:19pupunta siya sa salinlahi ng kanyang mga ama at hindi nila kailanman makikitang muli ang liwanag.
Isaiah 9:2Ang mga taong naglalakad sa dilim ay nakakita ng isang dakilang liwanag; silang mga naninirahan sa lambak ng anino ng kamatayan, ang liwanag ay sumikat sa kanila.
Isaiah 49:6Sinasabi niya, “Maliit na bagay para sa iyo na maging aking lingkod para itatag muli ang mga tribo ni Jacob, at ibalik ang mga nakaligtas sa Israel. Gagawin kitang ilaw ng mga dayuhan, na ikaw ang aking kaligtasan sa dulo ng mundo.”
Isaiah 60:1Bumangon kayo, magliwanag kayo; dahil ang inyong liwanag ay dumating na, at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay sumikat na sa inyo.
Malachi 4:2Ngunit sa inyong may takot sa aking pangalan, sisikat ang araw nang katuwiran na may kagalingan sa mga pakpak nito. Lalabas kayo na lumulukso katulad ng guya mula sa kulungan.