Jonah 3:10
Nakita ng Diyos kung ano ang kanilang ginawa, na tumalikod sila mula sa kanilang masasamang mga gawi. Kung kaya binago ng Diyos ang kanyang isipan tungkol sa parusang sinabi niyang gagawin niya sa kanila, at hindi niya ginawa ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 21:27Nang marinig ni Ahab ang mga salitang ito, pinunit niya ang kaniyang kasuotan at nagsuot ng damit na sako sa kaniyang katawan at nag-ayuno, at nahiga na nakadamit ng sako at naging labis na malungkot.
Job 33:27Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, “Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.
Jeremiah 18:7Sa isang sandali, maaari akong magpahayag ng isang bagay tungkol sa isang bansa o isang kaharian, na aking aalisin, gigibain, o wawasakin ito.
Jeremiah 31:18Tiyak na narinig kong nagdadalamhati ang Efraim, 'Pinarusahan mo ako at ako ay naparusahan. Ibalik mo ako kagaya ng baka na hindi pa naturuan at ako ay babalik, sapagkat ikaw si Yahweh na aking Diyos.
Amos 7:3Nahabag si Yahweh tungkol dito. “Hindi ito mangyayari,” sinabi niya.
Jonah 4:2Kaya nanalangin si Jonas kay Yahweh at sinabi, “A, Yahweh, hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa? Kaya nga kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis—dahil alam kong ikaw ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan, at naaawa kang magpadala ng kapahamakan.