Jonah 3:9
Sinong nakakaalam? Maaring mahabag ang Diyos at mabago ang kanyang isip at tumalikod mula sa kanyang mabangis na galit upang hindi tayo mamatay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Who can tell if God will turn and repent, and turn away from his fierce anger, that we perish not?
In Context
Cross References
1 Samuel 6:5Kaya dapat gumawa kayo ng inyong mga hugis ng mga bukol, at mga hugis ng inyong daga na puminsala sa lupain, at bigyan ng kaluwalhatian ang Diyos ng Israel. Marahil aalisin niya ang kanyang kamay mula sa inyo, mula sa inyong mga diyos, at mula sa inyong lupain.
Psalms 106:45Inalala niya ang kaniyang pangako at nahabag dahil sa kaniyang katapatan sa tipan.
Joel 2:14Sinong nakakaalam? Marahil ay manumbalik siya at mahabag, at mag-iwan ng biyaya sa likuran niya, butil na handog at inuming handog para kay Yahweh na inyong Diyos.
Jonah 1:6Kaya pumunta ang kapitan sa kaniya at sinabi sa kanya, “Anong ginagawa mong natutulog? Bumangon ka! Tumawag ka sa iyong diyos! Marahil mapapansin tayo ng iyong diyos at hindi tayo mamamatay.”
Jonah 4:2Kaya nanalangin si Jonas kay Yahweh at sinabi, “A, Yahweh, hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa? Kaya nga kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis—dahil alam kong ikaw ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan, at naaawa kang magpadala ng kapahamakan.
Luke 15:18Aalis ako rito at pupunta sa aking ama, at sasabihin ko sa kaniya, “Ama, ako ay nagkasala laban sa langit at sa iyong paningin.