Joshua 2:24
At sinabi nila kay Josue, “Totoong ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito. Natatakot ang lahat ng mga naninirahan sa lupain dahil sa atin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 15:15Pagkatapos ang mga pinuno ng Edom ay matatakot; ang mga sundalo ng Moab ay mayayanig; lahat ng naninirahan sa Canaan ay maglalaho.
Numbers 13:32Kaya ikinalat nila ang nakakapanghina ng loob na ulat sa mga tao ng Israel tungkol sa lupain na kanilang sinuri. Sinabi nila, “Ang lupain na aming tiningnan ay isang lupaing umuubos ng mga mamamayan nito. Matatangkad ang lahat ng mga taong nakita namin doon.
Joshua 2:9Sinabi niya, “Alam ko na ibinigay ni Yahweh sa inyo ang lupain at ang takot sa inyo ay dumating sa amin. Ang lahat ng naninirahan sa lupain ay manghihina sa inyong harapan.
Joshua 5:1Pagkarinig ng lahat ng hari ng mga Amoreo sa kanlurang dako ng Jordan, at lahat ng hari ng mga Cananaeo, na nasa baybayin ng Malaking Dagat, na pinatuyo ni Yahweh ang tubig sa Jordan hanggang nakatawid ang bayan ng Israel, natunaw ang kanilang mga puso, at walang anumang espiritu sa kanila dahil sa mga Israelita.
Joshua 8:1Sinabihan ni Yahweh si Josue, “Huwag matakot; huwag mapanghinaan ng loob. Dalhin mo ang lahat ng mga tao sa digmaan. Pumunta sa Ai. Tingnan mo, ang ibinibigay ko sa iyong kamay ang hari ng Ai, kaniyang bayan, kaniyang siyudad, at kaniyang lupain.
Judges 1:2Sinabi ni Yahweh, “ang tribo ng Juda ang mamumuno sainyo. Tingnan ninyo, binigyan ko sa sila ng kontrol sa lupaing ito.”