Numbers 13:32
Kaya ikinalat nila ang nakakapanghina ng loob na ulat sa mga tao ng Israel tungkol sa lupain na kanilang sinuri. Sinabi nila, “Ang lupain na aming tiningnan ay isang lupaing umuubos ng mga mamamayan nito. Matatangkad ang lahat ng mga taong nakita namin doon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 13:28Gayunman, ang mga taong nagtayo ng kanilang tahanan doon ay malalakas. Pinatibay at napakalawak ng kanilang mga lungsod. Nakita rin namin doon ang mga kaapu-apuhan ni Anak. Nakatira ang mga Amalekita sa Negev.
Deuteronomy 1:28Saan tayo maaaring pumunta ngayon? Pinanghinaan tayo ng loob ng ating mga kapatid, na nagsasabing, 'Ang mga taong iyon ay malalaki at matataas kaysa sa atin; ang kanilang mga lungsod ay malaki at pinagtibay hanggang kalangitan; higit pa rito, nakita natin doon ang mga anak na lalaki ng Anakim.'
1 Chronicles 20:6At nangyari na sa isa pang labanan sa Gat, may isang lalaking sobrang tangkad na may tig-aanim na daliri sa bawat kamay at tig-aanim na daliri sa bawat paa. Mula rin siya sa lahi ng Refaim,
Ezekiel 36:12Magdadala ako ng mga tao, aking taong Israel, upang lumakad sa ibabaw mo. Aangkinin ka nila, at ikaw ang magiging mana nila, hindi ka na magiging dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga anak.
Amos 2:9Kaya winasak ko ang mga Amoreo sa harap nila, na kasingtaas ng puno ng sedar; siya ay kasinglakas ng ensina. Ngunit winasak ko ang kaniyang bunga sa taas at kaniyang mga ugat sa ilalim.
Matthew 23:13Ngunit aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sinarhan ninyo ang kaharian ng langit sa mga tao. Kayo nga mismo ay hindi pumapasok at hindi rin ninyo pinayagan yung ibang papasok pa lamang.