Joshua 8:2
Gagawin mo sa Ai at sa kaniyang hari gaya ng ginawa mo sa Jerico at sa kaniyang hari, maliban na kunin mo ang panloloob at ang mga baka para sa iyong sarili. Magtakda ng isang pananambang sa likod ng lungsod.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 3:2Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Huwag mo siyang katakutan; dahil binigyan ko kayo ng tagumpay sa kaniya at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao at kaniyang lupain sa ilalim ng inyong pangangasiwa. Gagawin ninyo sa kaniya ang ginawa ninyo kay Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuhay sa Hesbon.'
Joshua 6:21Winasak nila ng ganap ang lahat ng nasa lungsod gamit ang talim ng espada—lalaki at babae, bata at matanda, lalaking baka, tupa at mga asno.
Joshua 8:9Ipinadala sila ni Josue, at pumunta sila sa lugar ng tambangan, at nagtago sila sa pagitan ng Bethel at Ai sa kanluran ng Ai. Pero natulog si Josue sa gabing iyon kasama ng mga tao.
Joshua 8:14Nangyari ito nang nakita ng hari ng Ai, siya at kaniyang hukbo ay bumangon ng maaga at nagmadaling lumabas para salakayin ang Israel sa lugar na nakaharap patungo sa lambak ng Ilog Jordan. Hindi niya alam na naghihintay ang isang pananambang para sumalakay mula sa likuran ng lungsod.
Joshua 8:24Nangyari ito nang natapos patayin ng Israel ang lahat ng mga naninirahan ng Ai sa lupaing malapit sa ilang kung saan tinugis nila sila, at nang lahat sa kanila, sa isang kahuli-hulihan, na natalo sa pamamagitan ng talim ng espada, bumalik ang lahat ng Israel sa Ai. Sinalakay nila ito sa pamamagitan ng talim ng espada.
Joshua 9:3Nang nabalitaan ng mga naninirahan sa Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai,