Joshua 6:21
Winasak nila ng ganap ang lahat ng nasa lungsod gamit ang talim ng espada—lalaki at babae, bata at matanda, lalaking baka, tupa at mga asno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 7:2at kapag bibigyan kayo ni Yahweh na inyong Diyos ng katagumpayan sa kanila kapag nakita ninyo sila sa digmaan, dapat ninyo silang salakayin, pagkatapos dapat ganap ninyo sila wasakin. Hindi kayo gagawa ng tipan sa kanila, ni magpakita ng awa sa kanila.
Deuteronomy 13:16pagsama-samahin ninyo ang lahat ng natirang mapapakinabangan pa mula rito sa gitna ng daan, at sunugin ang lungsod, gayon din ang lahat ng natirang mapapakinabangan rito— para kay Yahweh na inyong Diyos. Magiging isang bunton ng mga pagkasira magpakailanman ang lungsod; hindi na ito dapat pang maitayong muli.
Joshua 8:2Gagawin mo sa Ai at sa kaniyang hari gaya ng ginawa mo sa Jerico at sa kaniyang hari, maliban na kunin mo ang panloloob at ang mga baka para sa iyong sarili. Magtakda ng isang pananambang sa likod ng lungsod.”
Joshua 9:3Nang nabalitaan ng mga naninirahan sa Gabaon ang ginawa ni Josue sa Jerico at Ai,
Joshua 10:28Sa ganitong paraan, nasakop ni Josue ang Maceda sa araw na iyon at pinatay ang bawat isa gamit ang espada, kasama ang hari nito. Tuluyan niya silang winasak at bawat nabubuhay na nilalang doon. Wala siyang itinirang mga nakaligtas. Ginawa niya ito sa hari ng Maceda gaya ng ginawa niya sa hari ng Jerico.
Joshua 11:11Sinalakay nila gamit ang espada ang lahat ng buhay na nilalang ang naroroon, at hiniwalay niya sila para wasakin, kaya walang buhay na nilalang ang natirang buhay. Pagkatapos sinunog niya ang Hazor.