Jude 1:14
Si Enoc, ang ika-pito sa linya mula kay Adan, nagpahayag tungkol sa kanila, na sinasabing, “Pagmasdan ninyo! Ang Panginoon ay darating kasama ang libo-libong mga banal,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 5:18Nang nabuhay si Jared ng 162 taon, siya ay naging ama ni Enoc.
Deuteronomy 33:2Sinabi niya: Mula si Yahweh sa Sinai at nagpakita sa kanila mula Seir. Nagliwanag siya mula sa Bundok ng Paran, at dumating siya kasama ang sampung libong mga banal na pinili. Sa kaniyang kanang kamay ay mayroong kumikislap na kidlat.
Job 19:25Pero para sa akin, alam ko na nabubuhay ang aking Manunubos, at balang araw ay tatayo siya sa daigdig;
Daniel 7:9Habang nakatingin ako, inihanda ang mga trono sa lugar nito at naupo sa kaniyang upuan ang Sinaunang mga Araw. Kasing puti ng niyebe ang kaniyang damit at ang buhok sa kaniyang ulo ay tulad ng balahibo ng tupa. Nagliliyab na apoy ang kaniyang trono at nagliliyab na apoy ang mga gulong nito.
Matthew 16:27Sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama kasama ang kaniyang mga anghel. Pagkatapos, bibigyan niya ang bawat tao ayon sa kaniyang mga gawa.
Matthew 25:31Pagdating ng Anak ng Tao sa kaniyang kaluwalhatian at kasama ang lahat ng kaniyang mga anghel, uupo siya sa kaniyang marangal na trono.