Judas 1:15
upang magsagawa ng paghuhukom sa bawat isa, at hatulan ang lahat ng hindi maka-diyos sa kanilang mga ginagawa at pamamaraan, at sa lahat ng mga magaspang na pananalita na binigkas ng mga makasalanan laban sa Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 2:3Huwag nang magmataas ng buong kapurihan; huwag hayaang maglabas ng kahambugan ang iyong bibig. Sapagka't si Yahweh ay Diyos ng kaalaman; sa pamamagitan niya tinitimbang ang mga kilos.
Psalms 31:18Nawa mapatahimik ang mga sinungaling na labi na nagsasalita ng suwail laban sa matuwid ng may pagmamataas at paghamak.
Psalms 50:1Ang Tanging Makapangyarihan, ang Diyos, si Yahweh, ay nagsalita at tinawag ang daigdig mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Psalms 94:4Nagbubuhos sila ng pagmamataas at mapanghamon na mga salita, at nagmamayabang silang lahat.
Psalms 149:9Isasagawa nila ang hatol na nasusulat. Ito ay magiging karangalan para sa mga tapat. Purihin si Yahweh.
Ecclesiastes 12:14Dahil hahatulan ng Diyos ang bawat gawain, kasama ang bawat nakatagong bagay, mabuti man ito o masama.