Jude 1:7
Katulad ito ng Sodom at Gomorra at ang mga lungsod sa paligid nila, na nagpasasa din sa sekswal na imoralidad at sila ay nagpatuloy sa hindi likas na pagnanasa. Sila ay ipinakita bilang mga halimbawa ng mga nagdurusa sa parusa ng walang hanggang apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 13:13Ngayon napakasama ng mga kalalakihan ng Sodoma at namumuhay sila laban kay Yahweh.
Genesis 19:5Tinawag nila si Lot at sinabi, “Nasaan ang mga lalaking pumasok sa inyo ngayong gabi? Dalhin mo sila sa amin para masipingan namin sila.
Deuteronomy 29:23at kapag nakita nila ang buong lupain na naging asupre at nasusunog na asin, kung saan walang ipinunla ni namumunga, kung saan walang mga halaman ang tumutubo, katulad ng pagkabagsak ng Sodom at Gomorra, Adma at Zeboiim, na winasak ni Yahweh sa kaniyang galit at matinding poot—
Isaiah 13:19At Babilonia, ang pinakahinahangaan sa mga kaharian, ang pinagmamalaking kaluwalhatian ng Chaldea ay itatapon ng Diyos gaya ng Sodoma at Gomorra.
Jeremiah 20:16Hayaan ang taong iyon ay maging tulad ng mga lungsod na winasak ni Yahweh nang nawala ang kaniyang awa. Nawa ay marinig niya ang isang panawagan ng tulong sa madaling araw at ang sigaw ng labanan sa tanghali.
Lamentations 4:6Ang mabigat na pagkakasala ng anak na babae ng aking mga tao ay higit na malaki kaysa sa kasalanan ng Sodoma, na itinapon sa isang iglap, bagaman walang mga kamay na sumunggab sa kaniya.