Judges 16:21
Binihag siya ng mga Palestina at tinanggal ang kaniyang mga mata. Dinala nila siya pababa sa Gaza at tinalian siya ng mga tansong kadena. Ipinapaikot niya ang gilingang nasa mga kulungang bahay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
22Pero nagsimulang tumubo ulit ang mga buhok sa kaniyang ulo pagkatapos itong ahitan.
Cross References
Exodus 11:5Mamamatay ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hanggang sa panganay ng aliping babae na siyang nasa likod ng gilingan ng trigo nito, at sa lahat ng panganay ng mga baka.
2 Chronicles 33:11Kaya ipinasalakay sila ni Yahweh sa pinuno ng hukbo ng Hari ng Asiria, na bumihag kay Manases nang nakakadena, at nilagyan ng tanikala ang kanyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
Psalms 149:8Igagapos nila ang mga hari sa kadena at ang mararangya sa mga bakal na posas.
Proverbs 5:22Ang isang masamang tao ay mabibitag ng kaniyang sariling mga kasalanan; ang mga lubid ng kaniyang kasalanan ay pipigilan siya ng mahigpit.
Isaiah 47:2Kunin mo ang batong gilingan at gilingin mo ang harina; tanggalin mo ang iyong belo, punitin mo ang iyong magandang kasuotan, alisin mo ang takip ng iyong mga binti, tawirin mo ang mga batis.