Mga Hukom 2:15
Saanman magtungo ang Israel para lumaban, ang kamay ni Yahweh ay laban sa kanila para matalo sila, gaya ng kaniyang isinumpa sa kanila. At sila'y nasa matinding kapighatian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:25Kapag kayo ay nagkaanak at ang mga anak ng inyong mga anak, at kapag kayo ay naroon na sa lupain sa mahabang panahon, at kung naging masama kayo at gumawa ng isang inukit na hugis sa anyo ng anumang bagay, at gumawa ng kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na inyong Diyos, para galitin siya—
Deuteronomy 28:15Pero kung hindi kayo makikinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, at sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan at kaniyang mga batas na sinasabi ko sa inyo ngayon, darating ang mga sumpang ito sa inyo at matatabunan kayo.
Deuteronomy 32:40Dahil itinaas ko ang aking kamay sa langit at sinabing, 'Habang ako ay nabubuhay magpakailanman, ako ay kikilos.
Judges 10:9At ang mga Amonita ay tumawid sa Jordan para makipaglaban sa Juda, laban sa Benjamin at laban sa sambahayan ni Efraim, kaya ang Israel ay lubhang naglamhati.
1 Samuel 12:15Kapag hindi ninyo sinunod ang boses ni Yahweh, subalit maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, kung gayon ang kamay ni Yahweh ay magiging laban sa inyo, tulad ng ito ay laban sa inyong mga ninuno.
1 Samuel 14:24Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, “Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway.” Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.