Judges 2:16
Si Yahweh ay nagtaas ng mga hukom, na nagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng mga nagnanakaw ng kanilang mga ari-arian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 3:15Pero nang tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, nagtalaga ng isang tao si Yahweh na tutulong sa kanila, si Ehud na anak na lalaki ni Gera, isang Benjamita, at kaliwete. Ipinadala siya ng bayan ng Israel, kasama ang pugay na pambayad, kay Eglon na hari sa Moab.
Judges 4:5Madalas siyang nakaupo sa ilalim ng palmera ni Debora sa pagitan ng Rama at Betel sa bulubundukin ng Efraim, at lumalapit sa kaniya ang mga tao ng Israel para lutasin ang kanilang mga alitan.
Judges 10:1Matapos kay Abimelec, si Tola na anak na lalaki ni Pua na anak ni Dodo, isang tao na mula kay Issacar na nakatira sa Samir, sa burol ng Efraim, ay tumayo para iligtas ang Israel.
Ruth 1:1Nangyari ito noong mga araw nang ang mga hukom ay namahala na nagkaroon ng taggutom doon, at isang tiyak na lalaki ng Bethlehem ng Juda ang pumunta sa bansa ng Moab kasama ang kaniyang asawa at kaniyang dalawang anak na lalaki.
1 Samuel 14:48Kumilos siya na may kagitingan at tinalo ang mga Amalekita. Iniligtas niya ang Israel mula sa mga kamay ng mga dumambong sa kanila.
Nehemiah 9:27Kaya binigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na nagdulot ng kanilang paghihirap. At sa oras ng kanilang paghihirap, sila ay umiyak sa iyo at dininig mo sila mula sa langit at maraming beses mo silang iniligtas sa kamay ng kanilang mga kaaway dahil sa inyong dakilang awa.