Judges 2:17
Gayunma'y hindi sila nakinig sa kanilang mga hukom. Sila ay hindi tapat kay Yahweh at ibinigay ang kanilang mga sarili tulad ng mga bayarang babae sa ibang mga diyus-diyosan at sumamba sa kanila. Sa madaling panahon ay lumihis sila mula sa paraan ng pamumuhay ng kanilang mga ama—iyong mga sumunod sa mga utos ni Yahweh—pero sila mismo ay hindi ito ginawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 34:15Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain, nang ginawa nilang bayaran ang kanilang mga sarili sa kanilang mga diyos at maghandog sa kanilang diyos, at sinuman ang magyaya sa inyo at kakainin niyo ang ilan sa knailang handog.
Deuteronomy 9:12Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Tumayo ka, agad na bumaba mula rito, dahil dinungisan ng iyong mga tao na dinala mo palabas ng Ehipto ang kanilang mga sarili. Agad silang lumihis sa landas na aking iniutos sa kanila. Gumawa sila para sa kanilang sarili ng isang hinulmang hugis.'
Deuteronomy 31:16Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, matutulog ka kasama ang iyong mga ama; babangon itong mga lahi at kikilos katulad ng mga bayarang babae na sumusunod sa masamanag mga diyus-diyosan ng lupain, ang lupain na kanilang pupuntahan para maging kasamahan nila. Iiwanan nila ako at sisirain ang kasunduang ginawa ko kasama sila.
Joshua 24:24Sinabi ng bayan kay Josue, “Sasambahin namin si Yahweh na aming Diyos. Makikinig kami sa kaniyang tinig.”
Judges 2:7Naglingkod kay Yahweh ang bayan sa buong buhay ni Josue at ng mga nakakatanda na namuhay nang higit na matagal kaysa sa kaniya, silang mga nakakita ng lahat na dakilang gawa ni Yahweh para sa Israel.
1 Samuel 8:5Sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo, matanda ka na at hindi lumalakad ayon sa mga paraan mo ang iyong mga anak. Pumili ka para sa amin ng isang hari na hahatol sa amin tulad ng lahat ng mga bansa.”