Judges 2:19
Pero kapag namatay ang hukom, tatalikod sila at gagawa ng mga bagay na higit na masahol kaysa sa ginawa ng kanilang mga ama. Susunod sila sa ibang mga diyus-diyosan para paglingkuran at sambahin sila. Tumanggi silang isuko ang anumang masasamang gawi nila o ang kanilang mga suwail na paraan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 24:31Sinamba ng Israel si Yahweh sa buong buhay ni Josue, at sa buong buhay ng mga matatanda na nabuhay ng mas matagal kay Josue, ang mga nakaranas sa lahat ng bagay na nagawa ni Yahweh para sa Israel.
Judges 3:11Nagkaroon ng kapayapaan ang lupain ng apatnapung taon. Pagkatapos si Otniel na anak na lalaki ni Kenaz ay namatay.
Judges 8:33At nangyari na pagkamatay na pagkamatay ni Gideon ang mga tao ng Israel ay tumalikod muli at ipinagbili ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga Baal. Ginawa nilang diyos si Baal Berith.
1 Samuel 15:23Sapagkat ang paghihimagsik ay tulad ng kasalanan ng panghuhula, at pagkasutil at tulad ng kasamaan at katampalasan. Dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, tinanggihan ka rin niya mula sa pagiging hari.”
Nehemiah 9:28Pero pagkatapos nilang makapagpahinga, gumawa ulit sila ng kasamaan sa harapan mo, at ipinaubaya mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, kaya pinamahalaan sila ng kanilang mga kaaway. Pero nang bumalik sila at umiyak sa iyo, dininig mo sila mula sa langit, at maraming beses, dahil sa iyong habag, na iniligtas mo sila.
Jeremiah 3:17Sa oras na iyon ihahayag nila ang tungkol sa Jerusalem, 'Ito ang trono ni Yahweh at magtitipon ang lahat ng bansa sa Jerusalem sa ngalan ni Yahweh. Hindi na sila maglalakad sa katigasan ng kanilang mga masasamang puso.