Mga Hukom 20:28
at si Finehas, anak na lalaki ni Eleazar na anak na lalaki ni Aaron, ay naglilingkod sa harapan ng kaban sa mga araw na iyon—”Dapat ba tayong lumabas para muling makipagdigma laban sa mga tao ng Benjamin, ating mga kapatid, o tumigil?” Sinabi ni Yahweh, “Lusubin, dahil bukas tutulungan ko kayong talunin sila.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
29Kaya nagtalaga ang mga Israelita ng kalalakihan sa mga lihim na mga lugar sa palibot ng Gibea.
Cross References
Numbers 25:7Nang makita iyon ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, tumayo siya mula sa sambayanan at humawak ng isang sibat.
Deuteronomy 18:5Dahil pinili siya ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng inyong lipi para tumayong maglingkod sa pangalan ni Yahweh, siya at ang kaniyang mga anak na lalaki magpakailanman.
Joshua 22:13Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero ang bayan ng Israel sa mga lahi ni Ruben, mga lahi ni Gad, at kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad. Ipinadala rin nila si Finehas anak na lalaki ni Eleazar, ang pari,
Joshua 24:33Si Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ay namatay din. Inilibing nila siya sa Gibeah, ang lungsod ni Finehas na kaniyang anak na lalaki, na ibinigay sa kaniya. Iyon ay nasa maburol na lugar ng Efraim.
Judges 7:9Sa parehong gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Bangon! Lusubin ang kampo, dahil ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban dito.
1 Samuel 23:4Pagkatapos nanalangin pang muli si David kay Yahweh para sa tulong. Sinagot siya ni Yahweh, “Tumayo ka, bumaba ka sa Keila. Dahil bibigyan kita ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”