Mga Hukom 3:10
Siya ay binigyan ng kapangyarihan ng Espiritu ni Yahweh, pinangunahan niya ang Israel at siya ay nakipagdigma. Binigyan siya ni Yahweh ng tagumpay laban kay Cushanrishataim na hari ng Aram. Ito ang kapangyarihan ni Otniel na tumalo kay Cushanrishataim.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 11:25Bumaba si Yahweh sa ulap at nagsalita kay Moises. Kinuha ni Yahweh ang ilan sa Espiritu na naroon kay Moises at nilagay ito sa pitumpung nakakatanda. Nang tumahan ang Espiritu sa kanila, nagpahayag sila, ngunit sa pagkakataong iyon lamang at hindi na naulit pa.
Numbers 24:2Itinaas niya ang kaniyang mga mata at nakita niya na nagkampo ang Israel, bawat isa sa kanilang tribu, at pumasok sa kaniya ang Espiritu ng Diyos.
Judges 6:34Pero binalot si Gideon ng Espiritu ni Yahweh. Hinipan ni Gideon ang isang trumpeta, tinawag ang angkan ng Abiezrita, para sila ay maaaring sumunod sa kaniya.
Judges 11:32Kaya dumaan si Jefta sa bayan ng Ammon para makipaglaban sa kanila, at ibinigay sa kaniya ni Yahweh ang tagumpay.
Judges 14:6Biglang pumaloob sa kaniya ang Espiritu ni Yahweh, at doon dinurog niya ang leon ng pira-piraso na kasing dali ng pagdurog sa isang maliit na kambing, at walang anumang bagay sa kaniyang kamay. Pero hindi niya sinabi sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kanyang ginawa.
Judges 15:14Nang makarating siya sa Lehi, nagsisigawang papalapit ang mga Palistana ng makita siya. Pagkatapos pumasok ang Espiritu ni Yahweh sa kaniya ng may kapangyarihan. Ang mga lubid na nasa kaniyang mga braso ay naging katulad ng nasunog na lino at bumagsak ang mga ito sa kaniyang mga kamay.