Mga Panaghoy 1:11
Dumadaing ang lahat ng kaniyang mga tao habang naghahanap sila ng tinapay. Ibinigay nila ang kanilang mga mamahaling kayamanan para sa pagkain upang mapanatili ang kanilang buhay. Tingnan mo, Yahweh, at isaalang-alang mo ako, sapagkat ako ay naging walang kabuluhan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:52Sasalakayin nila kayo sa lahat ng tarangkahan ng inyong mga lungsod, hanggang sa bumagsak ang inyong mga matataas at pinatibay na mga pader saan man sa inyong lupain, mga pader na pinagkakatiwalaan ninyo. Sasalakayin nila kayo sa loob ng lahat ng inyong mga tarangkahan ng lungsod sa buong lupain na ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
2 Kings 6:25Kaya't nagkaroon ng matinding taggutom sa Samaria. Binihag nila ito hanggang ang isang asno ay maibenta sa halagang walumpung pirasong pilak, at ikaapat na bahagi ng isang kab ng dumi ng kalapati sa halagang limang pirasong pilak.
Psalms 25:15Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Yahweh, dahil pakakawalan niya ang aking mga paa mula sa lambat.
Jeremiah 19:9Ipapakain ko sa kanila ang laman ng kanilang mga anak, kakainin ng bawat isa ang laman ng kaniyang kapwa sa pagkakulong at sa kagipitan na dinala sa kanila ng kanilang mga kaaway at ng mga naghahangad ng kanilang buhay.'”
Jeremiah 52:6Sa ikaapat na buwan, sa ikasiyam na araw ng taon na iyon, matindi ang taggutom sa lungsod na walang pagkain para sa mga tao ng lupain.
Lamentations 1:19Tinawag ko ang aking mga mangingibig ngunit hindi sila tapat sa akin. Namatay ang aking mga pari at mga nakatatanda sa lungsod, habang naghahanap sila ng pagkain upang mailigtas ang kanilang mga buhay.