Lamentations 1:21
Pakinggan mo akong dumadaing. Wala ni isa ang umaaliw sa akin. Narinig ng lahat ng aking mga kaaway ang aking kahirapan. Nagalak sila na natapos mo ito. Paratingin ang araw na iyong ipinahayag; maging tulad nawa nila ako.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 35:15Pero nang ako ay natisod, natuwa sila at nagsama-sama; nagsama-sama sila laban sa akin, at ako ay ginulat nila. Winarak nila ako nang walang humpay.
Psalms 38:16Sinasabi ko ito para hindi ako maliitin ng aking mga kaaway. Kung madudulas ang aking paa, gagawan nila ako ng mga nakakakilabot na mga bagay.
Isaiah 13:1Isang pahayag tungkol sa Babilonia, na natanggap ni Isaias anak ni Amoz:
Isaiah 51:22Ang iyong Panginoong si Yahweh, na iyong Diyos, na nakikiusap para sa kapakanan ng kaniyang bayan, ay sinasabi ito, “Tingnan mo, kinuha ko ang kopa ng pagsuray mula sa iyong kamay—ang kopa ng tasa ng aking galit—para hindi mo na ito iinumin muli.
Jeremiah 30:16Kaya ang lahat ng umubos sa iyo ay mauubos at ang lahat ng iyong mga kaaway ay mabibihag. Sapagkat sa mga nagnakaw sa iyo ay mananakawan at sasamsamin ang lahat ng sumamsam sa iyo.
Jeremiah 48:27Sapagkat, hindi ba naging tampulan ng katatawanan sa inyo ang Israel? Natagpuan ba siyang isa sa mga magnanakaw kaya umiiling kayo sa tuwing sinasabi ninyo ang tungkol sa kaniya?