Mga Panaghoy 1:22
Hayaang dumating ang kanilang kasamaan sa iyong harapan. Pahirapan mo sila gaya ng pagpapahirap mo sa akin sa lahat ng aking mga paglabag; sapagkat marami ang aking mga [pag]daing, at mahina ang aking puso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 4:4Makinig ka, aming Diyos, dahil kami ay hinahamak. Ibalik mo ang kanilang mga panunuya sa sarili nilang mga ulo at pabayaan mo sila para nakawan sila sa lupain kung saan mga bilanggo sila.
Psalms 109:14Nawa mabanggit ang kasalanan ng kaniyang mga ninuno kay Yahweh; at nawa ang kasalanan ng kaniyang ina ay hindi malimutan.
Isaiah 13:7Dahil dito, manlalambot ang lahat ng kamay at matutunaw ang bawat puso; Matatakot sila; matinding kirot at kalungkutan ang lulupig sa kanila, gaya ng isang babaeng nanganganak.
Jeremiah 10:25Ibuhos mo ang iyong matinding galit sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo at sa mga pamilya na hindi tumatawag sa pangalan mo. Sapagkat nilamon nila si Jacob at inubos siya upang ganap na wasakin at buwagin ang kaniyang tirahan.
Jeremiah 30:16Kaya ang lahat ng umubos sa iyo ay mauubos at ang lahat ng iyong mga kaaway ay mabibihag. Sapagkat sa mga nagnakaw sa iyo ay mananakawan at sasamsamin ang lahat ng sumamsam sa iyo.
Lamentations 1:13Nagpadala siya ng apoy mula sa itaas sa aking mga buto, at tinalo sila ng mga ito. Naglatag siya ng lambat sa aking mga paa at pinabalik ako. Patuloy niya akong pinabayaan at ginawang mahina.