Mga Panaghoy 1:20
Tingnan mo, Yahweh, sapagkat ako ay nasa pagkabalisa; nababagabag ang aking kaloob-loobang mga bahagi. Nagulumihanan ang aking puso sapagkat labis akong naghimagsik. Pinatay sa mga lansangan ang aming mga anak sa pamamagitan ng espada; ang sa tahanan ay magiging tulad ng mundo ng mga patay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:40Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
1 Kings 8:47At ipagpalagay na kanilang napagtanto na sila ay nasa lugar kung saan sila ipinatapon, at ipagpalagay na sila ay nagsisi at humanap ng pabor sa iyo mula sa lupain ng mga humuli sa kanila. Ipagpalagay na kanilang sinabi, 'Kami ay kumilos ng hindi tama at nagkasala. Kami ay nag-asal ng masama.'
Job 33:27Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, “Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.
Psalms 51:3Dahil alam ko ang aking mga paglabag, at laging naaalala ang aking kasalanan.
Isaiah 16:11Kaya naghihinagpis ang aking puso gaya ng isang alpa para sa Moab, at aking kalooban para sa Kir-heres.
Jeremiah 2:35Sa halip, sa lahat ng bagay na ito, patuloy mong sinasabi, 'Wala akong kasalanan, tiyak na hindi ibabaling ni Yahweh ang galit sa akin.' Ngunit tingnan mo! Mahahatulan ka sapagkat sinabi mo, 'Hindi ako nagkasala.'