Mga Panaghoy 1:9
Naging marumi siya sa ilalim ng kaniyang mga palda. Hindi niya inisip ang tungkol sa kaniyang kinabukasan. Kakila-kilabot ang kaniyang pagbagsak. Walang sinuman ang umaaliw sa kaniya. Sumigaw siya, “'Tingnan mo ang aking dalamhati, Yahweh, nagiging napakalakas ng mga kaaway!”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:7Sinabi ni Yahweh, “Tunay na nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan na nasa Ehipto. Narinig ko ang kanilang pagsigaw dahil sa kanilang mahihigpit na tagapangasiwa, dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagdurusa.
Exodus 4:31Naniwala ang mga tao. Nang marinig nila na si Yahweh ay nag-oobserba sa mga Israelita at nakita niya ang kanilang pagkaalipin, pagkatapos iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sinamba siya.
Deuteronomy 32:27Kung hindi lang sa pagmamayabang ng kaaway, at baka ang kanilang kaaway ay magkamali, at kanilang sasabihin, 'Itaas ang ating kamay,' Nagawa ko na sana ang lahat ng mga ito.
1 Samuel 1:11Gumawa siya ng isang panata at sinabi niya, “Yahweh ng mga hukbo, kung titingin ka sa dalamhati ng iyong lingkod at iisipin ako, at huwag mong kalimutan ang iyong lingkod, ngunit bigyan mo ng anak na lalaki ang iyong lingkod, pagkatapos ibibigay ko ang buong buhay niya kay Yahweh, at walang labaha ang dadampi sa kanyang ulo.”
2 Kings 14:26Dahil nakita ni Yahweh ang paghihirap ng Israel, na napakapait para sa lahat, alipin man o malaya, at walang magliligtas sa Israel.
Psalms 25:18Masdan mo ang aking paghihirap at mga pasakit; patawarin mo lahat ng aking mga kasalanan.