Leviticus 17:6
Isasaboy ng pari ang dugo sa altar ni Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong; susunugin niya ang taba nito para makagawa ng isang mahalimuyak na amoy para kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:13Dapat mong kunin ang lahat ng taba na nakatakip sa mga lamang-loob, at saka kumuha ng panakip sa atay at sa dalawang lapay na may kasamang taba na nasa kanila; sunugin ang lahat ng ito sa altar.
Leviticus 3:2Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kaniyang handog at papatayin ito sa pintuan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak ni Aaron na lalaki na mga pari ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
Leviticus 3:8Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kaniyang alay at papatayin ito sa harapan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
Leviticus 3:13Dapat niyang ipatong ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing at patayin ito sa harapan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
Leviticus 4:31Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng pag-alis ng taba mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan. Susunugin ito ng pari sa altar upang magdulot ng isang matamis na samyo para kay Yahweh. Gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa tao, at papatawarin siya.
Ezekiel 44:15At ang mga paring Levita na mga anak na lalaki ni Zadok ang tumupad sa mga tungkulin ng aking santuwaryo nang lumilihis sa pagsunod sa akin ang mga Israelita— lalapit sila sa akin upang sambahin ako at tatayo sa aking harapan upang magdala ng taba at dugo sa akin— ito ang pahayag ng Panginoong Yaweh.