Leviticus 18:30
Kaya dapat ninyong ingatan ang aking kautusan upang hindi makagawa ng alinmang kasuklam-suklam na mga kaugalian na ginawa nila dito bago kayo, upang hindi ninyo madungisan ang inyong mga sarili dahil sa mga iyon. Ako si Yahweh na inyong Diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
29Ititiwalag sa kanilang mga tao ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito.
Cross References
Leviticus 18:26Kaya, dapat kayong sumunod sa aking mga utos at mga batas, at hindi ninyo dapat gawin ang alinman sa mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito, maging katutubong Israelita o dayuhang naninirahan kasama ninyo.
Leviticus 22:9Dapat sumunod ang mga pari sa mga tagubilin ko, o magkakasala sila at maaaring mamatay dahil sa paglapastangan sa akin. Ako si Yahweh, na siyang naghahandog sa kanila sa aking sarili.
Deuteronomy 12:30bigyan pansin ang inyong sarili na hindi kayo mabibitag sa pagsunod sa kanila, pagkatapos silang mawasak mula sa harapan ninyo—mabitag sa pagsisiyasat sa kanilang mga diyos, sa pagtatanong, 'Paano sumasamba ang mga bansang ito sa kanilang mga diyus-diyosan? Ganoon din ang gagawin ko.'
Deuteronomy 18:9Kapag nakarating kayo sa lupaing ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo, hindi ninyo dapat matutunan ang mga kasuklam-suklam na bagay ng mga bansang iyon.
1 Kings 14:24Mayroon ding mga kultong bayarang lalaki at babae sa lupain. Ginawa din nila ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa ng mga bansa, na pinalayas ni Yahweh sa harapan ng bayang Israel.
Ezra 9:1“Nang matapos na ang mga bagay na ito, nilapitan ako ng mga opisyal at sinabi, 'Hindi pa inihihiwalay ng mga tao ng Israel, mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili mula sa mga bayan ng iba pang lupain at sa mga karumal-dumal na gawain: sa mga Cananeo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Jebuseo, mga Amonita, mga Moabita, mga taga-Ehipto at mga Amoreo.