Deuteronomio 18:9
Kapag nakarating kayo sa lupaing ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo, hindi ninyo dapat matutunan ang mga kasuklam-suklam na bagay ng mga bansang iyon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:30Kaya dapat ninyong ingatan ang aking kautusan upang hindi makagawa ng alinmang kasuklam-suklam na mga kaugalian na ginawa nila dito bago kayo, upang hindi ninyo madungisan ang inyong mga sarili dahil sa mga iyon. Ako si Yahweh na inyong Diyos.”
Deuteronomy 12:30bigyan pansin ang inyong sarili na hindi kayo mabibitag sa pagsunod sa kanila, pagkatapos silang mawasak mula sa harapan ninyo—mabitag sa pagsisiyasat sa kanilang mga diyos, sa pagtatanong, 'Paano sumasamba ang mga bansang ito sa kanilang mga diyus-diyosan? Ganoon din ang gagawin ko.'
Deuteronomy 20:18Gawin ninyo ito para hindi nila kayo turuang kumilos sa alinmang mga kasuklam-suklam na paraan, na ginawa nila sa kanilang mga diyus-diyusan. Kung gagawin ninyo, magkakasala kayo laban kay Yahweh na inyong Diyos.
2 Kings 17:11Nagsunog sila ng insenso roon sa mga dambana, tulad ng mga ginagawa ng mga bansa, silang mga itinaboy ni Yahweh sa kanilang harapan. Nagsagawa ang mga Israelita ng mga masasamang bagay na nagpagalit kay Yahweh;
2 Chronicles 36:14Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at ng mga tao ay nagkasala ng labis, sinusunod ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ng ibang lahi. Nilapastangan nila ang tahanan ni Yahweh na inilaan niya para sa kaniyang sarili sa Jerusalem.