Leviticus 2:16
Pagkatapos susunugin ng pari ang bahagi ng dinurog na butil at langis at insenso para alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh. Isang handog ito na ginawa kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Pagkatapos dapat ninyong lagyan ito ng langis at insenso. Isang butil na handog ito.
Cross References
Leviticus 2:1Kapag magdadala ang sinuman ng isang butil na handog kay Yahweh, dapat pinong harina ang kaniyang handog, at bubuhusan niya ito ng langis at lalagyan ito ng insenso.
Leviticus 2:9Pagkatapos kukuha ang pari ng ilan mula sa butil na handog upang alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh, at susunugin niya ito sa altar. Magiging isang handog ito sa pamamagitan ng apoy, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh.
Psalms 141:2Nawa ang aking panalangin ay maging gaya ng insenso sa harapan mo; nawa ang nakataas kong mga kamay ay maging katulad ng alay sa gabi.
Isaiah 61:1Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin, dahil hinirang ako ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita sa mapagpakumbaba. Sinugo niya ako para pagalingin ang sugatang-puso, para ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, at ang pagbubukas ng bilangguan sa mga nakagapos.
Hebrews 5:7Sa panahon ng kaniyang laman, nag-alay siya ng mga panalangin at mga kahilingan, nakikiusap ng may pagluha sa Diyos, na may kakayahang makapagliligtas sa kaniya mula sa kamatayan. Dahil sa kaniyang paggalang sa Diyos, siya ay pinakinggan.