Leviticus 22:18
“Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng mga tao ng Israel. Sabihin sa kanila, 'Sinumang Israelita, o isang banyaga na naninirahan sa Israel, kapag maghahandog sila ng isang alay— kahit na ito ay para tuparin ang isang panata o kahit na ito ay isang kusang handog, o maghahandog sila kay Yahweh ng isang handog na susunugin,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
Cross References
Leviticus 1:2“Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang tao mula sa inyo ang magdadala ng isang handog kay Yahweh, dalhin bilang inyong handog ang isa sa inyong mga hayop, alinman mula sa pangkat ng mga hayop o mula sa kawan.
Leviticus 7:16Ngunit kung ang alay na kaniyang handog ay para sa layunin ng isang panata, o para sa isang layunin ng pagkukusang-loob na handog, kakainin dapat ang karne sa araw na kaniyang ihahandog ang kanyang alay, pero kung anuman ang natira nito ay maaaring kainin kinabukasan.
Leviticus 17:13At sinumang mamamayan ng Israel, o sinumang mga dayuhang naninirahan sa kanila, na nangaso at pumatay ng isang hayop o ibon na maaaring kainin, dapat patuluin ng taong iyon ang dugo nito at takpan ng lupa.
Numbers 15:3at kapag maghandog kayo ng isang handog sa pamamagitan ng apoy para sa kaniya—maging isang alay na susunugin, o isang alay para sa isang panata o isang kusang handog, o isang handog sa inyong mga pagdiriwang, upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh mula sa kawan o pangkat ng hayop—
Deuteronomy 12:6Dadalhin ninyo roon ang inyong mga handog na susunugin, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, ang inyong mga handog para sa mga panata, ang inyong kusang loob na mga handog, at ang panganay ng inyong mga hayop at mga kawan.
Deuteronomy 16:10Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Linggo para kay Yahweh na inyong Diyos kasama ang inyong ambag para sa kusang-loob na handog mula sa iyong kamay na inyong ibibigay, ayon sa pagpapala sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.