Leviticus 7:16
Ngunit kung ang alay na kaniyang handog ay para sa layunin ng isang panata, o para sa isang layunin ng pagkukusang-loob na handog, kakainin dapat ang karne sa araw na kaniyang ihahandog ang kanyang alay, pero kung anuman ang natira nito ay maaaring kainin kinabukasan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Subalit, kung anumang karne ng alay na natira sa ikatlong araw ay dapat sunugin.
Cross References
Leviticus 22:18“Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng mga tao ng Israel. Sabihin sa kanila, 'Sinumang Israelita, o isang banyaga na naninirahan sa Israel, kapag maghahandog sila ng isang alay— kahit na ito ay para tuparin ang isang panata o kahit na ito ay isang kusang handog, o maghahandog sila kay Yahweh ng isang handog na susunugin,
Leviticus 22:29Kapag mag-aalay kayo ng isang handog ng pasasalamat kay Yahweh, dapat kayong mag-alay nito sa isang katanggap-tanggap na paraan.
Numbers 15:3at kapag maghandog kayo ng isang handog sa pamamagitan ng apoy para sa kaniya—maging isang alay na susunugin, o isang alay para sa isang panata o isang kusang handog, o isang handog sa inyong mga pagdiriwang, upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh mula sa kawan o pangkat ng hayop—
Deuteronomy 12:11pagkatapos mangyayari ito sa lugar kung saan piliin ni Yahweh na inyong Diyos doon na manirahan ang kaniyang pangalan, doon dalhin ninyo ang lahat ng iniutos ko sainyo: ang inyong mga sinunog na handog, ang inyong mga alay, ang inyong mga ikapu, at ang mga handog na inihandog ng inyong kamay, at lahat ng inyong piling handog para sa mga panata na inyong ipapangako kay Yahweh.
Deuteronomy 12:26Pero ang mga bagay na nabibilang kay Yahweh na mayroon kayo at ang mga handog para sa inyong mga panata—kukunin ninyo ang mga ito at pupunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh.
Psalms 116:14Aking tutuparin ang mga panata ko kay Yahweh sa harapan ng kaniyang buong bayan.