Leviticus 23:10
“Kausapin mo ang mga bayan ng Israelita at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa loob ng lupain na ibibigay ko sa inyo, at kapag ginapas ninyo ang ani nito, sa gayon dapat dalhin ninyo sa pari ang isang tali ng mga unang prutas nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
Cross References
Exodus 23:16Dapat ipagdiwang mo ang Pista ng Pag-aani, ang unang mga bunga ng iyong pinagtrabahuhan nang nagtanim ka ng buto sa iyong bukirin. At saka dapat mong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa katapusan ng taon, kapag nalikom ninyo ang iyong inani mula sa bukirin.
Exodus 34:22Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga linggo kasama ang unang pag-aani ng trigo, at dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa huling araw ng taon.
Leviticus 2:12Ihahandog ninyo ang mga ito kay Yahweh bilang isang handog ng unang mga bunga, pero hindi gagamitin ang mga iyon upang magbigay ng mabangong halimuyak sa altar.
Leviticus 23:17Dapat ninyong ilabas sa inyong mga bahay ang dalawang tinapay na ginawa mula sa dalawang ikapu ng isang epah. Dapat ginawa ang mga ito mula sa pinong harina at inihurno kasama ang lebadura; isang paghahandog ang mga ito mula sa unang mga prutas na itataas at idinulog kay Yahweh.
Numbers 15:18“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa lupain kung saan ko kayo dadalhin,
Deuteronomy 16:9Bibilang kayo ng pitong linggo para sa inyong sarili; dapat ninyong simulan ang pagbibilang ng pitong linggo sa oras na inyong simulang ilagay ang karit sa nakatayong butil.